You are currently browsing the daily archive for March 12th, 2008.

This is awkward. All those pain that we (both) went through… The pain you brought me, the things I did and said that hurt you… I still carry them. This post is for you, to let you know that I don’t regret having you for years. It’s been a while since we last talked. Or perhaps, our last serious talk. I miss how you make me smile as I remember your facial expressions. They are funny and cute! I miss doing crazy things with you. We should cook crispy dilis sometime again! Yea, that one was funny. Especially when you said, “Oh ba’t humiwalay yung arina sa dilis? Hala, palpak tayo!”. Just remembering the whole kitchen scene makes me laugh. I miss your taste regarding food. You’ve introduced me to a few rocking restaus and I think it’s a good idea to be friends with you again-for the sake of eating the yummiest food. :) Sisig and Halo-halo. Yumyum. =p~ I miss those car rides. Okay, this is mushy, but I don’t see it as a big deal now. I PROMISE. (plastik?LOL). Those tight hugs..they are comforting. It calms my rambling thoughts and my shaking hands. Yea yea. :) ) I miss the fights that initiated. It was fun for me. I see raised voices sweet. :) ) yea, I know I’m weird.

Uh, whatever. I still don’t want to be your lover anymore. Or you to me. I just remembered you at this point and…(okay,okay) I miss you.

crazy as me

He became a gay after I left him.

HAHA.

Kiddin’.

He’s just as weird as me.

My parents used to fight over such little things until they called it quits. It’s been almost three years since then. The thought of converting to a rebellious daughter feared me. I don’t want that to happen. EVER. So I masked the pain with cheerful people, activities, thoughts, and church. Eventually, I grew up just fine. I got stronger emotionally and mentally. Courageous itself cannot describe me well. I was more of a headstrong and assertive. The slashes which I got from it weren’t erased at all. But then, I’m happy they didn’t.  .F. .L. .A. .S. .H. .B. .A. .C. .K.  I am now happy. Fully-equipped with memories and lessons that seem to be my picker-uppers. My parents? They’re friends. Yea, so showbiz. But they truly are. They found life out of misery and are now both contented with their current world. My mom’s got a new family. Her partner considers us as his own, though. He’s got 6 children from his first wife and 2 with my mom. But (surprise, surprise!) whenever someone asks him the number of children that he has, he’ll say,”11. It’s a really big family.” :D I think it’s sweet, so sweet of him. I even confide my problems to him because I find it easier to relate to guys (we keep secrets from my mom). He even roots for me whenever my mom gives me her series of sermons again. He is really ^_______^. My dad? I still live with him now with my sister and my brother, Jazz our dog, Starfish and Ham our hamsters, Spikes and Turrtol our turtles, and all our other fishes. Yes, we consider them family. :) Well (more surprises!) he’s got a girlfriend. She’s a lot like mom! Er. Only mother-like. My biological mom loves shopping and dresses and vacations and spas and you get the idea. While my dad’s girlfriend likes cooking and household chores (i can’t believe she likes them!) and conversations with us and the like. I feel jealousy creeping to me from time to time but as long as I see my dad happy, I am as well happy for him. What can I do? I’m a daddy’s girl! So there. That’s my family. Big and tangled. For some, this might be a shame to have. But for me, it’s a blessing. :) You don’t get all the nicest people in your family circle. And I do. That’s something I must thank God for.

From:  http://pusablanca.multiply.com/journal/item/4/Minsan_May_Isang_Puta

— — —

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Coño. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”

Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Life is full of surprises, right? So keep kickin’!